BI, nagpaalala sa mga dayuhan na sumunod sa annual report
Nagpaalala ang Bureau of Immigration (BI) sa mga dayuhang nananatili sa bansa na sumunod sa annual report.
Ito ay kasunod ng ipinatutupad na 1950 Alien Registration Act kung saan nakasaad na mandato ng mga dayuhan na may immigrant at non-immigrant visa, at alien certificate of registration identity card (ACR I-Card) na sumusunod sa annual report.
Sa inilabas na pahayag, sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na mapaparusahan ang sinumang dayuhan na hindi tutugon dito.
Maaari aniyang mag-report ang mga dayuhan sa ahensya mula sa unang araw ng Enero hanggang sa pagtatapos ng Pebrero sa taong 2020.
Ayon naman kay Jose Carlitos Licas, hepe ng BI alien registration division, kinakailangang magprisinta ng orihinal na ACR I-Card at pasaporte ng mga dayuhan.
Mayroon ding P300 na bayad para sa annual report habang P10 naman sa legal research fee.
Sinumang mabigong tumugon dito ay maaaring pagbayarin ng multa, makansela ang visa o mapa-deport.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.