Emperor Akihito at Empress Michiko ng Japan, darating sa bansa ngayong araw

By Dona Dominguez-Cargullo January 26, 2016 - 06:50 AM

AP Photo/Koji Sasahara
AP Photo/Koji Sasahara

Darating sa bansa ngayong araw para sa five-day historic visit sina Emperor Akihito at Empress Michiko ng Japan kasabay ng ika-60 anibersaryo ng pagbabalik sa normal ng diplomatic relations sa pagitan ng Pilipinas at Japan.

Mismong si Pangulong Benigno Aquino III ang sasalubong mamayang hapon sa royal couple na darating sa Ninoy Aquino International Airport sakay ng Air Force One ng Japan alas 2:00 ng hapon.

Magiging abala ang mag-asawa sa kanilang limang araw na pananatili sa bansa at kabilang sa mga aktibidad nila ay ang pagdalo sa ilang events Manila at sa Laguna.

Bukas, araw ng Miyerkules may welcome ceremonies sa Malacañang para sa royal couple at sa gabi ay bibigyan pangungunahan ni Pangulong Aquino ang state banguet para sa kanila.

Dadalo din ang mag-asawa sa wreath-laying rites sa Rizal monument at Libingan ng mga Bayani bukas.

Sa Huwebes ang pinaka-abalang araw para sa royal couple kung saan bibisitahin nila ang mga dating Japanese students at trainees sa San Diego Garden sa Intramuros at ang mga Japanese residents sa Sofitel Hotel.

Sa Huwebes din magtutungo ang mag-asawa sa main office ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para bumisita sa Language Training Center.

Sa Biyernes, magtutungo sila sa Caliraya, Laguna, para sa wreath-laying rites sa Japanese memorial garden. Kasunod nito ay magtutungo naman sila sa Los Baños, para mag-tour sa International Rice Research Institute.

Sa Sabado magtatapos ang kanilang state visit at uuwi na pabalik ng Tokyo.

TAGS: emperor akihito, empress michiko, emperor akihito, empress michiko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.