Pope Francis nagsorry matapos mapalo ang kamay ng babae na nanghatak sa kanya
Humingi ng paumanhin si Pope Francis matapos mahampas ang kamay ng isang babae sa Vatican City dahil sa paghatak nito sa kanya.
Nangyari ang insidente noong Martes ng gabi habang binabati ni Pope Francis ang crowd sa labas ng St. Peter’s Square matapos niyang pangunahan ang Evening Prayer at ang Te Deum.
Habang papatalikod ang Santo Papa ay hinila ng babae ang kanyang kamay.
Kitang-kita sa mukha ni Pope Francis na nasaktan siya sa ginawa ng babae dahilan para mapalo niya ang kamay nito.
Viral sa social media ang naging reaksyon ng Santo Papa.
Sa kanya namang mensahe matapos ang Angelus araw ng Miyerkules, humingi ng paumanhin si Pope Francis at nawalan lang anya siya ng pasensya tulad ng ibang tao.
Aminado ang Santo Papa na mali ang kanyang nagawa.
“We lose patience many times. It happens to me too. I apologize for the bad example give yesterday,” ani Pope Francis.
Umani naman ng paghanga ang paghingi ng paumanhin ng lider ng Simbahang Katolika na anila’y halimbawa ng kababaang-loob.
Giit pa ng marami, natural ang reaksyon ni Francis at ang pagiging Santo Papa ay hindi nangangahulugang hindi ito makararamdam ng sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.