LOOK: Mga lansangan sa Maynila, malinis matapos ang pagsalubong sa Bagong Taon
By Dona Dominguez-Cargullo January 01, 2020 - 07:53 AM
Matapos salubungin ang toang 2020, malinis na iniwan ng mga residente ang mga lansangan sa lungsod ng Maynila.
Ibinahagi ni Manila Mayor Isko Moreno sa kaniyang social media accounts ang mga larawan ng malilinis na kalsada sa lungsod.
Sa mga larawan sa Facebook at Twitter ng alkalde, makikitang walang kalat sa bahagi ng Juan Luna, Ylaya, MB Santos, Tabora, Carmen Planas at Sto. Cristo.
Ito ay sa kabila ng katatapos na pagdiriwang ng pagsalubong ng Bagong Taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.