Sunog sa Sta. Ana, Maynila umabot sa task force bravo; 150 bahay ang natupok
By Dona Dominguez-Cargullo January 01, 2020 - 05:54 AM
(UPDATE) Ilang sandali matapos ang pagpasok ng taong 2020 tinupok ng apoy ang isang residential area sa Santa Ana, Maynila.
Nagsimula ang sunog sa bahagi ng Pasig Line na umabot sa task force bravo.
Alas 6:42 ng umaga ng Miyerkules, January 1, idineklara nang fire under control ang sunog.
Tinatayang aabot sa 150 bahay ang natupok at inaalam pa kung ilang pamilya ang apektado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.