16 sugatan sa paputok sa Maynila
Bago pa ang ganap na pagsalubong sa Bagong Taon umabot na sa 16 ang nasugatan sa paputok sa lungsod ng Maynila.
Ayon sa Manila Public Information Office, pinakamaraming naisugod na nasugatan sa paputok sa Santa Ana Hospital.
As of 11:11 ng gabi ng December 31, 2019, narito ang bilang ng mga naputukan na dinala sa iba’t ibang ospital sa Maynila:
Gat Andres – 4
Ospital ng Tondo – 1
Ospital ng Sampaloc – 3
Ospital ng Maynila – 1
Sta. Ana Hospital – 7
Kabilang sa nasigatan ang isang 14 anyos na batang lalaki na nagtamo ng sugat sa kaliwang mata dahil sa “whistle bomb”.
Isang 19 anyos na lalaki rin ang nasugatan sa kanang kamay dahil sa “five-star”.
Habang isang 22 anyos na lalaki ang nasugatan idin sa kamay dahil sa “pla-pla”.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.