EcoWaste Coalition, may paalala sa mga sasalubong ng Bagong Taon sa Rizal Park

By Angellic Jordan December 31, 2019 - 05:22 PM

Inquirer photo

Muling nagpaalala ang EcoWaste Coalition sa mga dadagsa sa Rizal Park sa Lungsod ng Maynila para salubungin ang Bagong Taon.

Sa inilabas na pahayag, iginiit ni Jove Benosa, zero waste campaigner ng environmental watchdog, na dapat ugaliin ng lahat ang maayos na pagtatapon ng mga basura.

Hindi dapat aniyang hayaan na maging “garbage bin” o basurahan ang monumento ng pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal.

Sinabi nito na kailangang irespeto ng lahat ang nasabing historical site.

Dagdag pa nito, sa halip na iwan ang mga kalat, mas maiging pulutin ito at dalhin sa tamang tapunan para sa ma-recycle.

Inaasahan ang pagdagsa ng libu-libong bisita sa Rizal Park dahil nakagawian na ito ng karamihan tuwing Bisperas ng Bagong Taon.

TAGS: 2020 New Year's Day, 2020 New Year's Eve, Ecowaste coalition, 2020 New Year's Day, 2020 New Year's Eve, Ecowaste coalition

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.