Bilang ng pasahero sa mga pantalan, umabot na sa mahigit 80,000

By Mary Rose Cabrales December 31, 2019 - 06:34 AM

Patuloy pa rin ang pagdagsa ng pasahero sa mga pantalan na pauwi sa iba’t ibang lalawigan ng bansa.

Batay sa monitoring ng Philippine Coast Guard (PCG), nakapagtala ng kabuuang 82,112 na outbound passengers sa
mga pantalan.

Ito ay mula 12:01 ng tanghali hanggang 6:00 ng gabi, araw ng Lunes (December 30).

Pinakamaraming naitalang pasahero sa mga pantalan sa Central Visayas partikular sa Cebu (8,824), Eastern Bohol (450),
Western Bohol (3,424), Southern Cebu (3,870) at Camotes (454) na may kabuuang 17,022 na pasahero.

Sinundan ito ng Western Visayas partikular sa mga pantalan sa Antique (150), Aklan (1,147), Iloilo (10,486) at Guimaras
(2,869) na may kabuuang bilang na 14,652 na pasahero.

Narito naman ang bilang ng pasahero sa iba pang lugar:

Southern Tagalog – 9,795
• Batangas – 4,320
• Oriental Mindoro – 1,301
• Southern Quezon – 2,132
• Occidental Mindoro – 95
• Romblon – 1,235
• Northern Quezon – 712

Northern Mindanao – 8,467
• Surigao del Norte – 2,420
• Misamis Occidental – 2,277
• Siargao – 130
• Lanao del Norte – 732
• Dinagat – 437
• Zamboanga del Norte – 556
• Misamis Oriental – 852
• Camiguin – 728

Bicol – 7,287
• Albay – 1,132
• Sorsogon – 3,731
• Camarines Sur – 95
• Masbate – 1,506
• Catanduanes – 780
• Camarines Norte – 43

Southern Visayas – 6,491
• Negros Oriental – 2,823
• Negros Occidental – 2,140
• Siquijor – 1,528

Eastern Visayas – 5,621
• Western Leyte – 2,141
• Southern Leyte – 1,028
• Eastern Leyte – 133
• Western Samar – 697
• Northern Samar – 1,447
• Biliran – 175

South Eastern Mindanao – 4,018
• Davao – 3,591
• Igacos – 348

South Western Mindanao – 3,094
• Zamboanga – 1,445
• Basilan – 1,086
• Central Tawi-Tawi – 563

National Capital Region – 2,315
• Manila – 275
• Pasig – 56
• Bataan – 708
• Zambales – 56
• Laguna De Bay – 1,220

North Western Luzon – 1,705
• Pangasinan – 1,705

Palawan – 1,174
• Puerto Princesa – 718
• Coron – 456

North Eastern Luzon – 471
• Cagayan – 107
• Batanes – 364

Pinaalalahanan pa rin ng PCG ang mga pasahero na manatiling alerto at sumunod sa mga panuntunan sa mga pantalan at sasakyang-pandagat para mapanatili ang zero maritime casualty o incident ngayong Christmas season.

Dagdag pa ng ahensya na dapat ding i-report ang mga kahina-hinalang indibidwal sa mga nakatalagang DOTr Malasakit Help Desk.

TAGS: dotr, Inquirer News, News in the Philippines, outbound passengers, Philippine breaking news, philippine coast guard, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, dotr, Inquirer News, News in the Philippines, outbound passengers, Philippine breaking news, philippine coast guard, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.