Thanksgiving Procession para sa Itim na Nazareno, mas mabilis natapos

By Dona Dominguez-Cargullo December 31, 2019 - 05:59 AM

Umabot sa 80,000 katao ang nakkiisa sa Thanksgiving Procession para sa Itim na Nazareno.

Tumagal lang ng isang oras ang isinagwang prusisyon na mas mabilis kumpara noong nagdaang mga taon.

Ang Thanksgiving Procession ay hudyat ng pagsisimula ng siyam na araw na novena para sa Traslacion.

Ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO), nagsimula ang prusisyon bago mag ala 1:00 ng madaling araw.

Kadalasang inaabot ng 10 hanggang 12 oras ang prusisyon kada taon, pero ngayon ay inabot lang ito ng isa at kalahating oras.

Sinabi ni NCRPO chief, Police Brig. Gen. Debold Sinas, sumunod ang mga tao sa alituntunin at pinigilan ang mga nais na tumawid o sumingit kaya naging maayos ang daloy ng prusisyon.

Tinatayang aabot sa 10,000 pulis ang itinalaga para mapanatili ang kaayusan ng prusisyon.

TAGS: Black Nazarene, Inquirer News, News in the Philippines, Philippine breaking news, Quiapo Church, Quiapo Manila, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, thanksgiving procession, Black Nazarene, Inquirer News, News in the Philippines, Philippine breaking news, Quiapo Church, Quiapo Manila, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, thanksgiving procession

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.