2 lalaki arestado dahil sa pagpupuslit ng produktong petrolyo sa Surigao del Norte

By Mary Rose Cabrales December 31, 2019 - 05:26 AM

Naaresto ang dalawang lalaki dahil sa pagpupuslit ng produktong petrolyo, araw ng Linggo sa checkpoint sa Barangay Sta. Cruz sa Placer sa Surigao del Norte.

Ayon kay Police Brig. Gen. Joselito Esquivel, ng Caraga PNP, pinara nila sa checkpoint ang isang elf truck kung saan sakay ang dalawang suspek at nang maginspeksyon ay walang naipakitang permit ang mga suspek.

Nakumpiska sa dalawa ang 6,000 litro ng gasolina at diesel na binili umano sa isanh gasolinahan sa Barangay San Pedro, Alegria at dadalhin sana sa Dinagat Islands.

Kasong paglabag sa Presidential Decree No. 1865 ang kinakaharap ng dalawang suspek.

TAGS: diesel, gasoline, Inquirer News, News in the Philippines, petroleum products, Philippine breaking news, placer, Radyo Inquirer, surigao del norte, Tagalog breaking news, tagalog news website, diesel, gasoline, Inquirer News, News in the Philippines, petroleum products, Philippine breaking news, placer, Radyo Inquirer, surigao del norte, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.