Pangulong Duterte, may hiling sa Panginoon; Bigyan siya ng Aneurysm

By Chona Yu December 30, 2019 - 05:06 PM

Simple lamang ang hiling ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Panginoon oras na matapos ang kanyang termino bilang pangulo ng bansa sa taong 2022.

Sa talumpati ng pangulo sa pagbisita sa mga biktima ng lindol sa North Cotabato, sinabi nito na hiling niya sa Panginoon na bigyan siya ng Aneurysm.

Apela pa ng pangulo sa Panginoon, huwag nang patagalin ang kanyang buhay.

Kung hindi man Aneurysm, Stage 3 Cancer naman ang hiling ng pangulo sa Panginoon.

Tanong ng pangulo, ano pa ang saysay ng buhay ng tao kung maghihirap din lang.

“Bigyan mo lang ako ng aneurysm. Isang…o kung may cancer ako sabihin ko sa asawa ako ‘pag umabot ako ng third stage, no more. Bakit ko pahabain ang buhay ko na hirap? Bakit ko pahabain ang buhay ko na masakit? Cancer masakit ‘yan, maski hawakan lang masakit. Wala nang quality of life,” ayon sa pangulo.

Ginunita rin ng pangulo ang kanyang pagbisita sa mga batang may Cancer sa Davao kamakalawa kung saan naawa siya sa mga may sakit.

Dagdag ng pangulo, hindi niya naiwasan na magtungo sa banyo para umiyak nang makita ang mga bata na nasasaktan dahil sa sakit na Cancer.

Ayon sa pangulo, sa edad na 74, dapat na aniyang asahan ng taong bayan na hindi na “in pink health condition” o hindi na maayos ang lagay ng kanyang kalusugan.

Ayon sa pangulo, marami na siyang iniinom na gamot kabilang na ang Viagra.

TAGS: aneurysm, Rodrigo Duterte, Stage 3 Cancer, aneurysm, Rodrigo Duterte, Stage 3 Cancer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.