Permit na ibinigay ng Kongreso sa NGCP, ipinapa-review ni Rep. Zarate
Pinare-review ni House Deputy Minority Leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate sa Kamara ang permit na ibinigay sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Ito ay bunsod na rin ng pagiging stockholder ng China sa NGCP kung saan pinangangambahan itong maging security threat sa bansa.
Hinihikayat ng Bayan Muna ang Kamara na madaliin ang pagre-review sa anumang permit, franchise o license na iginawad sa NGCP upang masilip ang access at kontrol sa technical operations at sa Supervisory Control and Data Acquisition (SCADA) system ng China sa NGCP.
Kinukondena rin ni Zarate ang misleading statements ng NGCP na walang dapat ikabahala sa pagkakaroon sa kanila ng share ng China.
Kasinungalingan aniya ang pahayag ng NGCP na mayroon lamang tatlo sa 10 board members ang China gayong ang China ay may share na 40 porsyento dito.
Maliban sa tatlong Chinese board members ay itinalaga rin na NGCP Board Chairman si Zhu Guangchao na engineer naman ng China State Grid Corporation.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.