Water level ng Angat dam muling nadagdagan sa magdamag
Tumaas ang water level ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon.
Ayon sa PAGASA-Hydrometeorology division, nadagdagan ang water level ng Angat dam na nasa 201.37 meters
ngayong alas-6 umaga ng Lunes (December 30) mas mataas ito sa 201.23 meters na antas nito kahapon.
Bahagya ring nadagdagan ang water level ng La Mesa dam na nasa 77.69 meters ngayong umaga.
Nadagdagan din ang antas ng tubig sa Caliraya dam.
Nanatili naman ang antas ng tubig ng Ambuklao dam sa 744.82 meters.
Bahagya naman na nabawasan ang Ipo dam 101.06 meters mas mababa sa 101.07 meters na antas nito kahapon.
Nabawasan din ang water level ng Binga, San Roque, Pantabangan at Magat dams.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.