Publiko hinikayat ni Pope Francis na bitawan ang cellphone kapag nasa hapag-kainan

By Dona Dominguez-Cargullo December 30, 2019 - 06:05 AM

AP photo

Hinikayat ni Pope Francis ang sambayanan na mag-usap usap kapag nasa harapan ng pagkain sa halip na gumamit ng kanilang mobile phones.

Sa kaniyang pahayag sa weekly Angelus sa St. Peter’s Square binanggit nito sina Maria, Joseph at Hesus na magandang halimbawa ng isang pamilya na dapat tularan.

Dapat aniyang matiyak ang pagkakaroon ng mabuting komunikasyon sa pamilya.

Sinabi ng Santo Papa na dapat ibalik ang komunikasyon sa pamilya at mabuti itong gawin sa oras ng pagsasalu-salo sa pagkain.

TAGS: holy family, Inquirer News, mobile phones, PH news, Philippine breaking news, pope francis, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weekly angelus, holy family, Inquirer News, mobile phones, PH news, Philippine breaking news, pope francis, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weekly angelus

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.