WATCH: US travel ban vs ilang PH gov’t officials, totoo – Palasyo

By Chona Yu December 29, 2019 - 01:45 PM

Totoo ang travel ban ng Amerika laban sa mga opisyal ng gobyerno ng Pilipinas na pinaniniwalaang nasa likod ng pagpapakulong kay Senador Leila de Lima.

Pahayag ito ng Palasyo matapos ibunyag ng blogger na si RJ Nieto na wala naman sa probisyon ng United States Fiscal Year 2020 State and Foreign Operations Appropriations bill ang travel ban sa mga government official ng Pilipinas.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na kinumpirma ito mismo sa kanya ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez.

“I was talking to US Ambassador Babe Romualdez. Sinasabi ‘yang chineck daw nila ‘yong batas, meron nga raw. totoo ‘yong ban,” ani Panelo.

Ayon kay Panelo, totoo man o hindi ang travel ban sa mga Philippine government official, patuloy naman aniyang iiral ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagbawalang makapasok sa bansa sina US senators Patrick Leahy at Dick Durbin.

Sina Leahy at Durbin ang nagpanukala na pagbawalang makapasok sa Amerika ang mga opisyal ng pamahalaan ng Pilipinas na nasa likod ng pagpapakulong kay de Lima.

Narito ang buong report ni Chona Yu:

TAGS: Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez, Sec. Salvador Panelo, Sen Leila De Lima, US senator Dick Durbin, US Senator Patrick Leahy, US travel ban, Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez, Sec. Salvador Panelo, Sen Leila De Lima, US senator Dick Durbin, US Senator Patrick Leahy, US travel ban

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.