Serbisyo ng Smart sa ilang lugar na naapektuhan ng bagyong Ursula naibalik na

By Dona Dominguez-Cargullo December 27, 2019 - 08:13 PM

Naibalik na ang serbisyo ng Smart sa maraming lugar na naapektuhan ng bagyong Ursula.

Sa pahayag ng Smart, balik na sa normal ang serbisyo ng Smart sa Oriental Mindoro at Romblon sa Luzon; sa Cebu, Samar, at Iloilo sa Visayas; habang mahigit 60 percent nang naibalik ang operasyon ng mga cell site sa Antique at Leyte.

Ayon sa Smart, sa Aklan, Biliran, Capiz, Eastern Samar, Leyte, at Occidental Mindoro limitado pa rin ang mobile signal dahil sa mga pasilidad na nasira noong kasagsagan ng bagong Ursula.

Puspusan na ang ginagawang pagkukumpuni ng mga tauhan ng Smart para maibalik ang serbisyo nito sa mga apektadong lugar.

Ayon sa Smart, habang nagpapatuloy pa ang restoration sa ilang lugar ay nagtalaga na sila ng emergency communication assistance na maaring magamit ng mga residente.

Mayroon nang libreng tawag ang Smart at charging services sa sumusunod na lugar:

AKLAN
MDRRMO, Old Municipal Building, New Washington

ILOILO
Public Plaza, Estancia

Nakatakda ring magtalaga ng libreng tawag at charging services sa mga sumusunod pang lugar:

CEBU
PLDT, Daanbantayan, Northern Cebu

EASTERN SAMAR
Paps Enterprises Loading Station, Lugay Street, Brgy 8, Guiuan

TAGS: Pagasa, Typhoon Ursula, weather, Pagasa, Typhoon Ursula, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.