Mga residente malapit na ilog pinalilikas na sa bayan ng Pamplona, Cagayan
Pinalilikas na ang mga residenteng naninirahan malapit sa ilog sa bayan ng Pamplona sa lalawigan ng Cagayan.
Ito ay bunsod ng patuloy na pagtaas ng antas ng tubig sa ilog dahil sa nararanasang pag-ulan.
Sa Facebook page ng bayan ng Pamplona, nasa yellow alert na ang water level ng Pamplona River.
Pinapayuhan ang mga residente na habang maaga pa ay lumikas na lalo na ang mga nasa mabababang lugar at malapit sa ilog.
Sa rainfall advisory ng PAGASA, alas 2:11 ng hapon ng Biyernes, Dec. 27 ay nakararanas ng katamtamab hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang mga bayan ng Conner, Flora, Kabugao, Luna, Pudtol at Santa Marcela sa Apayao; mga bayan ng Abulug, Baggao, Gattaran, Lallo, Pamplona, Peñablanca at Santa Teresita sa Cagayan.
Ito ay dahil sa tail end ng cold front.
Pinapayuhan ang mga residente na maging alerto at maingat.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.