Angkas pinagpapaliwanag ng Technical Working Group on Motorcycle Taxi dahil sa pagkakaroon ng operasyon sa iba pang lalawigan
Pinagpapaliwanag ng Technical Working Group (TWG) on Motorcycle Taxi ang ride-hailing app na Angkas matapos matuklasan na may operasyon na ito sa iba pang lalawigan.
Ayon sa TWG, ang pilot testing ng motorcycle taxis ay pinayagan lamang sa Metro Manila at sa Metro Cebu.
Dahil dito, maituturing umanong paglabag sa terms of reference ang ginagawa ng Angkas na pag-ooperate sa iba pang mga lalawigan sa bansa, gaya na lamang ng Cagayan de Oro City at General Santos City.
Ang operayson ng Angkas sa dalawang lungsod ay natuklasan ng TWG base na rin sa Facebook post at Facebook pages.
Sa post ng isang Jerome Angcolo, makikita ang mga Angkas riders na nakauniporme, at nakasaad sa caption na sila ay nasa Laguindingan Airport.
Mayroon ding Facebook page na Angkas Gensan.
Sinabi ng TWG na isa sa basic guidelines na itinakda para sa pilot testing ng motorcycle taxis ay ang pagtatakda lamang ng lugar para sa programa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.