Typhoon Ursula papalabas na ng bansa; tail-end ng cold front magpapaulan sa Northern Luzon

By Dona Dominguez-Cargullo December 27, 2019 - 05:52 AM

Papalabas na ng bansa sa susunod na 24 na oras ang Typhoon Ursula.

Huling namataan ang bagyo sa layong 335 kilometers west ng Subic Zambales.

Bumagal ang bagyo at ngayon ay kumikilos sa bilis na 10 kilometers per hor sa direksyong north west.

Taglay pa rin ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 120 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 150 kilometers per hour.

Wala na itong direktang epekto saanmang panig ng bansa kaya wala na ring nakataas na storm warning signals.

Bukas ng umaga ay inaasahang lalabas na ito ng bansa.

Samantala, ang tail-end ng cold front naman ang inaasahang magpapaulan sa Northern Luzon ngayong araw.

Sa weather forecast ng PAGASA, makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan at isolated thunderstorms ang Cagayan Valley, Aurora, at Quezon sa susunod na 24 na oras.

Magiging maalon din ang baybaying dagat sa Batanes, Cagayan, Babuyan Islands, Ilocos Norte at Ilocos Sur.

Hindi muna papayagan na pumalaot ang maliliit na sasakyang pandagat sa nasabing mga lugar.

TAGS: Inquirer News, Pagasa, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, ursula, weather, Inquirer News, Pagasa, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, ursula, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.