Halos 4,000 pasahero nananatiling stranded sa mga pantalan
Mayroon pa ring halos 4,000 mga pasahero na stranded sa mga pantalan sa bansa.
Ayon sa update mula sa Philippine Coast Guard, as of 8:00 ng umaga ng Huwebes, Dec. 26, mayroon pang 3,930 na mga pasaherong stranded.
Ang mga ito ay nasa mga pantalan sa Batangas, Oriental Mindoro, Iloilo, Antique, at Aklan.
Pinakamaraming stranded na pasahero sa Port of Roxas sa Mondoro na nasa 1,604 gayundin sa Port of Batangas na mayroong 1,039 na stranded passengers.
Mayroon ding stranded na 347 na rolling cargoes, 18 barko at 3 motorbancas sa iba’t ibang mga pantalan sa bansa.
Ngayong unti-unti nang bumubuti ang panahon dahil sa paglayo ng bagyong Ursula sa landmass ng bansa, inaasahang mababawasan pa ang bilang ng mga stranded na pasahero.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.