Network service sa Tacloban, Kalibo, Leyte at ilang bahagi ng Samar naibalik na ng Globe
Naibalik na ng Globe Telecom ang network services nito sa Tacloban, Kalibo, Leyte at ilang bahagi ng Samar na tinamaan ng bagyong Ursula.
Sa abiso ng Globe, puspusan ang restoration na ginawa ng kanilang operations team para matiyak na agad maibabalik ang serbisyo sa mga naapektuhang lugar.
Ayon sa Globe, lahat ng Globe cell sites sa Kalibo, Tacloban at Leyte at sa ilang bahagi ng Samar ay fully-restored na.
Ginagawa naman ng kumpanya ang lahat para maibalik ang serbisyo sa Boracay ngayong araw (Dec. 26).
Dumating na sa Boracay ang dagdag na teams galing sa Dumaguete at Cebu para tumulong sa restoration efforts.
Una rito, nakaranas ng power outages at fiber cuts sa maraming lugar na nasalanta ng Typhoon Ursula kabilang na sa Eastern at Western Samar, Leyte, Capiz, Aklan, Boracay at Roxas City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.