LOOK: Relief goods dadalhin sa mga lugar na naapektuhan ng TY Ursula sa Northern Cebu
Patungo na ng Cebu ang mga relief goods ng Department of Social Welfare and Development para sa mga naapektuhan ng Typhoon Ursula sa Northern Cebu.
Katuwang ang Philippine Coast Guard, isininakay sa BRP Suluan ngayong umaga ang nasa 2,800 na kahon ng relief goods mula DSWD region VII.
Dadalhin ang mga ito sa Caranza at sa Malapascua Islands.
Kasabay nito sinabi ng Coast Guard na magsasagawa rin ngayong araw ng martime surface patrol ang BRP Capones para tignan ang pinsala ng Typhoon Ursula sa karagatang sakop ng Northern Cebu.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.