Ilang bahagi ng Palawan at Occidental Mindoro patuloy na inuulan dahil sa TY Ursula
Nakararanas pa rin ng malakas na pag-ulan sa ilang bahagi ng Palawan at Occidental Mindoro.
Sa inilabas na heavy rainfall warning ng PAGASA, orange warning ang umiiral sa mga bayanng Culion, Coron at Busuanga.
Yellow warning naman nag nakataas sa Occidental Mindoro at sa Linapacan, Palawan.
Ayon sa PAGASA maaring makaranas ng pagbaha sa mabababang lugar at pagguho naman ng lupa sa bulubunduking lmga lugar.
Pinayuhan ang mga residente sa apektadong mga lugar na maging maingat at alerto at mag-antabay sa mga susunod pang abiso ng PAGASA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.