Biyahe sa mga pantalan sa Quezon, balik-normal na
By Dona Dominguez-Cargullo December 26, 2019 - 07:16 AM
Balik normal na ang biyahe ng mga sasakyang pandagat sa mga pantalan sa Quezon Province.
Ito ay dahil bumuti na ang lagay ng panahon sa lalawigan, matapos manalasa ang Typhoon Ursula.
Sa abiso ng Quezon Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, balik normal na ang biyahe sa Atimonan Feeder Port ngayong araw ng Huwebes, December 26.
Kabilang dito ang mga biyaheng Atimonan patungong Alabat at Atinoman to Perez.
May biyahe na rin ang mga sasakyang pandagat na mula Polilio to Real at pabalik.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.