Malacañang sa mga Filipino ngayong Kapaskuhan: ‘Start seeing good on everything’
Nanawagan ang Palasyo ng Malacañang sa mga Filipino na simulan nang tingnan ang kabutihan sa bawat bagay.
Sa Christmas message na inilabas Miyerkules ng gabi, sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na dapat ay magkaroon ng pusong handang makiramay, umunawa at magparaya ang mga Filipino kahit pa sa mga iba ang paniniwala.
Gayundin, sinabi ni Panelo na dapat ding maging bukas ang bawat isa sa pagpapatawad sa mga nakasakit.
“In this season of love, faith, and hope, we call on all Filipinos to start seeing good on everything. Let us have a heart of compassion for others, understanding and tolerance for those disagreeing with us, and forgiving those who offend and pain us,” ani Panelo.
Giit ng kalihim, ang matagal nang pagkakaiba, kapabayaan at korapsyon ang pumigil sa pag-unlad ng bansa habang ang pagkamuhi at inggit ang sumira sa mga mamamayan.
“Decades of indifference, neglect and corruption have impeded our growth as a nation while hatred and envy have caused rupture amongst us as a people,” giit ng kalihim.
Panahon na anya para ilayo ang sarili sa mga negatibong bagay at gamitin sa pagtamo ng pag-unlad ang mga balakid.
“The time has come to disengage and unchain ourselves from the negatives that engulf us. Let us convert the thorns that prick us into ladders till we reach the petals of roses of progress,” ani Panelo.
“Let us move forward. Let us begin. Let us love one another,” panawagan ng opisyal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.