Walo sa bawat 10 Filipino ang umaasa na magiging masaya sila ngayong Kapaskuhan.
Ang naitalang 79 porsyento sa survey ng Social Wweather Stations (SWS), ang pinakamataas na simula noong 2002 kung kailan nakapagtala ng 82 porsyento.
Sa isinagawang survey noong Disyembre 13 hanggang 16 sa 1,200 respondents, may dalawang porsyento pa na nagsabi na malungkot ang kanilang Pasko ngayong 2019 at 19 porsyento naman ang hindi tiyak kung magiging masaya o hindi ang kanilang Kapaskuhan.
Unang isinagawa ang ‘happy Christmas’ survey noong 2002, bumaba ito sa 77 porsyento nang sumunod na taon at bumagsak sa 62 at umangat sa 69 porsyento mula 2004 hanggang 2013.
Umabot na ito sa higit 70 porsyento noong 2014 at patuloy na itong umangat.
Base sa resulta, 70 porsyento sa mga nagsabi na masaya sila ngayon Kapaskuhan ay mula sa Metro Manila, 80 porsyento sa Minadanao at pinakamataas na 82 porsyento sa Visayas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.