Magpapatuloy sa susunod na taon ang agresibong kampaniya ng Philippine National Police (PNP) kontra droga.
Ito ang sinabi ni PNP OIC Lt. Gen. Archie Gamboa at katuwiran nito, mataas ang satisfaction rating ng war on drugs ng administrasyong-Duterte.
Sa huling SWS survey noong Setyembre, walo sa bawat 10 Filipino ang naniniwala sa kampaniya kontra droga.
Ngunit noong Oktubre, niyanig ang PNP ng iskandalo na nagsangkot kay dating PNP Chief Oscar Albayalde sa operasyon ng ‘ninja cops,’ ang mga pulis na sinasabing nagre-recycle ng nakukumpiskang droga.
Dagdag pa ni Gamboa, magpapatuloy din sa 2020 ang paglilinis sa kanilang hanay.
Aniya, kailangan na maibalik ang buong tiwala ng mamamayan sa pambansang pulisya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.