Inanunsiyo na ni Senator Joel Villanueva na makakasama sa isasagawang pag-iimbestiga sa Senado sa susunod na taon ang mga insidente ng kidnap-for-ransoms na kinasasangkutan ng mga Chinese worker.
Ang ikakasang imbestigasyon ng pinamumunuan niyang Labor Committee ay patungkol sa negatibong epekto ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGOs).
Banggit ni Villanueva, ang mga insidente ng pagdukot ng Chinese workers ay isa lang sa mga negatibong epekto ng POGOs sa bansa.
Aniya at ayon sa pahayag ng PNP, ang pagdukot ng mga Chinese national sa kanilang mga kababayan ay dahil hindi nila kabisado ang mga batas sa Pilipinas.
Ngunit katuwiran ng senador, responsibilidad ng mga dayuhan na alamin ang mga batas sa bansa, kasama na ang labor laws.
Diin ng senador, dapat ituloy ng DOLE ang pagsasagawa ng labor inspections sa mga pasilidad ng POGOs para ma-protektahan din ang kapakanan ng mga manggagawang Filipino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.