Taguig City, suportado ang local movie industry at culture promotion

By Jan Escosio December 24, 2019 - 04:10 PM

Sinabi ni Taguig City Mayor Lino Cayetano na todo-suporta sila sa arts and culture promotion, gayundin sa lokal na pelikula.

Ayon kay Cayetano, katunayan nito ang pag-host ng pamahalaang lungsod ng 2019 Metro Manila Film Festival o MMFF.

Sa isinagawang Parade of Stars, inihayag ng alkalde kasama ang iba pang mga lokal na opisyal ng lungsod na isinusulong nila ang paglago ng kultura sa buong bansa.

Kasama ni Cayetano sa pagdiriwang sina House Speaker Alan Peter Cayetano, Taguig Rep. Lani Mercado at MMDA Chairman Danny Lim.

Maituturing na pinakamahaba sa kasaysayan ng MMFF ang isinagawang parada ng mga artista ng walong kalahok na pelikula sa Christmas filmfest.

Pagdidiin din ni Cayetano, napakahalaga sa isang bansa ang paglago ng mga lokal na pamahalaan.

Ibinahagi nito na sa susunod na taon ay bubuksan nila ang Taguig Film Development Office.

Layo nito aniya na maitampok sa mga pelikula ang kanilang lungsod at makapagbigay trabaho sa kanyang mga kababayan.

TAGS: local movie industry and culture promotion, Mayor Lino Cayetano, Taguig City, local movie industry and culture promotion, Mayor Lino Cayetano, Taguig City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.