11 nabiktima ng food poisoning sa evacuation center sa Daval Del Sur
Isinugod sa ospital ang 11 evacuees sa Barangay Mangga, Matanao, Davao Del Sur.
Ito ay makaraang malason umano sa kinain nilang pagkain noong Linggo.
Karamihan sa mga pasyente ay pawang mga bata na nakaranas ng pananakit ng tiyan, pagsusuka.
Spaghetti umano ang huling kinain ng mga bikitma.
Dinala sa Davao del Sur Provincial Hospital ang mga pasyente.
Pero dahil ang naturang ospital ay napinsala ng lindol sa makeshift na emergency shelter lamang na gawa sa tent ginamot ang mga biktima.
Nagsasagawa na ng imbestigasyon hinggil sa insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.