Duterte: BARMM dapat magtagumpay para hindi na mag-abroad ang kababaihan

By Rhommel Balasbas December 24, 2019 - 04:58 AM

Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga opisyal ng Bangsamoro government na patakbuhin nang maayos ang pamahalaan upang gumanda ang ekonomiya ng rehiyon.

Sa talumpati sa Cotabato City araw ng Lunes, sinabi ng pangulo na kung maayos na tatakbo ang Bangsamoro government at uunlad ang lugar ay hindi na kakailanganin pang magtrabaho sa ibang bansa ng kababaihan.

Ayon kay Duterte, maraming babae sa Bangsamoro ang humihiram ng pera para lamang makapag-abroad ngunit kalauna’y nagagahasa at naaabuso lamang ng employers.

“(So), it’s important to create a thriving community,” ayon sa pangulo.

Kasabay nito, hinimok ng pangulo ang iba pang Moro areas sa Mindanao na hindi pa kasapi ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na sumapi na rin.

Ito ay upang maging bahagi rin sila ng pag-unlad at pagtamo sa kapayapaan ng rehiyon.

“BARMM has to succeed because it would be (your) deliverance, social and political,” he said. “So, yung di (pa) kasali sa Barmm, sumali na kayo, para makuha natin ang kapayapaan sa mga kapatid nating Moro,” giit ng pangulo.

“Ako, sinasabi ko, join BARMM, pag gusto mong kasama sa pagtaas…sumali kayo at mas madali ang development,” dagdag nito.

Pinagunahan ni Duterte ang pamamahagi ng Certificates of Land Ownership Awards (CLOA) sa agrarian reform beneficiaries ng BARMM.

Hinimok nito ang mga benepisyaryong Moro na huwag ibenta ang lupang ipinagkaloob ng gobyerno.

Ayon sa pangulo, dapat nilang gamitin ang mga lupa upang magkaroon ng sapat na pera at gumanda ang buhay sa pamamagitan ng pagpapaaral sa mga anak.

“Mahalin mo ang lupa. Bilihin ko iyong products at a price that is competitive, and third, it will give you an income and you can improve, your children can go to school,” he said. “Send your children to school, para makalabas sa kahirapan at sa gulo ng mundo, makita mo iyong Moro na nag-aral, di naman maganda buhay pero… giit ng presidente.

TAGS: Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), Certificates of Land Ownership Awards, Cotabato City, create a thriving community, Rodrigo Duterte, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), Certificates of Land Ownership Awards, Cotabato City, create a thriving community, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.