Duterte: Overspeeding has to be controlled
Hindi na natutuwa si Pangulong Rodrigo Duterte sa kaliwa’t kanang insidente ng pagkamatay bunsod ng aksidente sa kalsada na sanhi ng ‘overspeeding’.
Sa talumpati sa Cotabato City araw ng Lunes, isinisi ng pangulo ang mga aksidente sa trucks at sinabing hindi na ito katanggap-tanggap.
“It’s almost adventure ngayon kung magsakay ka ng truck kasi bubunggo talaga ‘yan putang ina at ang patay aabot na ng 20, 22. It’s no longer acceptable to me,” ani Duterte.
Giit ng pangulo, dapat nang ma-kontrol ang ‘overspeeding’ dahil parang masaker na ang nangyayari sa dami ng namamatay.
“Itong overspeeding, that has to be controlled kasi marami nang patay ang numbers ng patay no longer di na nakakatuwa. ‘Di na maganda basahin. Parang massacre na almost everyday,” dagdag ng pangulo.
Ayon sa pangulo, pulisya ang aatasan niyang mag-kontrol sa overspeeding pero hindi sinabi kung paano ito gagawin.
“Itong kwan ‘to, itong pulis ang magkontrol. Pero ‘yan ha, iwasan niyo ‘yang ganun,” ani Duterte.
Magugunitang nito lamang nakaraang linggo, siyam katao ang nasawi habang marami ang sugatan matapos ang banggaan ng dalawang truck at isang jeepney sa Cardona, Rizal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.