Martial law sa Mindanao, hindi kailangang palawigin sa kabila ng pagsabog sa Mindanao – PNP
Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na mananatili ang kanilang rekomendasyon na ihinto ang martial law sa Mindanao sa December 31.
Ito ay sa kabila ng naganap na serye ng pagsabog sa Cotabato City, North Cotabato at Maguindanao.
Sa isang press briefing, sinabi ni PNP officer-in-charge Lt. Gen. Archie Gamboa na hindi mababago ang kanilang rekomendasyon.
Nananatili kasi aniyang payapa sa rehiyon sa kabila ng pagsabog.
Patuloy naman aniya ang isinasagawang imbestigasyon ng kanilang hanay para alamin ang motibo at kung sino ang nasa likod ng pag-atake.
Ipinag-utos na ng opisyal sa mga police unit sa apektadong lugar ng pagsabog na maging alerto.
Hindi bababa sa 23 katao, kabilang ang siyam na sundalo, ang nasugatan bunsod ng serye ng pagsabog.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.