Mga nabiktima ng pagsabog sa Cotabato, bibisitahin ni Pangulong Duterte
Personal na aalamin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kalagayan ng mga nasugatan sa pagsabog sa Cotabato.
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, gagawin ng pangulo ang pagbisita sa Lunes, December 23.
Hindi naman matukoy ni Panelo kung alin sa mga biktima sa dalawang magkahiwlaay na pagsabog sa Cotabato ang bibisitahin ng pangulo.
Bibisitahin din aniya ng pangulo ang isa sa mga lugar kung saan naganap ang pagsabog.
Bandang 4:00 ng hapon, pangungunahan ng pangulo ang pamamahagi ng certificate of land ownership sa mga magsasakaw sa BARMM complex sa Cotabato City.
“Yes. He will distribute land certificates and then visit the venues where the bombing took place,” ayon kay Panelo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.