Tropical Storm Ursula bumilis; mas maraming lugar isinailalim sa tropical cyclone wind signal number 1
Bahagyang bumilis ang bagyong Ursula at mas maraming lugar pa ang isinailalim sa tropical cyclone wind signal number 1.
Huling namataan ang bagyo sa layong 790 kilometers northeast ng Hinatuan, Surigao Del Sur o sa layong 870 kilometers east ng Surigao City, Surigao Del Norte.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 80 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 30 kilometers bawat oras sa direksyong West Northwest.
Nakataas na ang tropical cyclone wind signal number 1 sa sumusunod na mga lugar:
LUZON:
– Sorsogon
– Masbate including Ticao Island
VISAYAS:
– Eastern Samar
– Northern Samar
– Samar
– Biliran
– Leyte
– Southern Leyte
– Northern Cebu (Carmen, Asturias, Tuburan, Catmon, Sogod, Borbon, Tabuelan, Tabogon, San Remigio, Bogo, Medellin, Daanbantayan, Bantayan Islands, Camotes Islands)
– Central Cebu (Balamban, Talisay, Cebu City, Cordova, Lapu-Lapu, Mandaue, Consolacion, Liloan, Compostela, Danao)
– northeastern Bohol (Inabanga, Danao, Dagohoy, Pilar, Guindulman, Anda, Candijay, Alicia, Buenavista, Jetafe, Talibon, Trinidad, Bien Unido, San Miguel, Ubay, Mabini, Pres. Carlos P. Garcia)
MINDANAO:
– Dinagat Islands
– Surigao del Norte including Siargao Islands
Narito naman ang rainfall outlook ng PAGASA para sa lakas ng ulan na maaring maidulot ng bagyong Ursula sa mga susunod na araw:
Between tomorrow (24 December) and Wednesday (25 December) morning
– Moderate to heavy rains sa Dinagat Islands, Siargao at Bucas Grande Islands, Eastern Visayas, Sorsogon, Masbate, Romblon, Aklan, Antique, Capiz, Iloilo, Guimaras, at sa northern portions ng Cebu at Negros Occidental
– Light to moderate with intermittent heavy rains sa Quezon at nalalabi pang bahagi ng Visayas, Bicol Region at Surigao del Norte
Inaasahang lalakas pa ang bagyong Ursula at magiging Severe Tropical Storm bago mag-landfall sa Eastern Visayas bukas ng tanghali ao gabi.
Sa susunod na weather bulletin ng PAGASA, magtataas na rin ng signal number 1 sa nalalabi pang bahagi ng Bohol, Cebu, northern Negros Occidental, Guimaras, eastern portion ng Aklan, Capiz, northern Iloilo, Romblon, Albay at Burias Island.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.