Mahigit pisong pagtaas sa presyo ng diesel at kerosene inanunsyo na ng mga kumpanya ng langis
Nag-anunsyo na ng ipatutupad na oil price hike ang mga kumpanya ng langis.
Sa bisperas ng Pasko, December 24 ipatutupad ang malakihang dagdag sa presyo ng produktong petrolyo.
Ayon sa kumpanyang Seaoil, P1.15 ang dagdag sa kada litro ng kanilang diesel at P1.05 sa kada litro ng kerosene.
Parehong halaga din ng dagdag ang ipatutupad ng Shell sa diesel at kerosone.
Habang parehong halaga ng price hike ang ipatutupad ng Petro Gazz sa kanilang diesel.
Wala namang magiging paggalaw sa presyo ng gasolina.
Inaasahang ngayong maghapon, mag-aanunsyo ng parehong halaga ng oil price hike ang iba pang kumpanya ng langis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.