Rollback sa presyo ng produktong petrolyo, ipatutupad bukas

By Dona Dominguez-Cargullo January 25, 2016 - 06:45 AM

PHILIPPINES-CHINA-DIPLOMACY-MARITIME-OIL(UPDATED) Magpapatupad muli ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis bukas.

Batay sa abiso, maglalaro sa P1.00 hanggang P1.15 ang ibabawas sa presyo ng kada litro ng diesel.

Nasa P0.50 naman hanggang P0.70 ang ikakaltas sa kada litro ng gasolina.

Naunang nag-anunsyo ng rollback ang Shell na P0.60 sa kada litro ng gasolina, P1.10 sa kada litro ng kerosene at P0.90 sa kada litro ng Diesel.

Ang Phoenix Petroleum naman ay magpapatupad ng parehong halaga ng rollback sa gasolina at diesel.

Ilang sunod na linggo nang nagpatupad ng bawas sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis dahil sa patuloy na pagbaba ng halaga ng langis sa world market.

Sa ngayon, depende sa sangay ng mga gasolinahan, nasa mahigit P19 na lamang hanggang mahigit P20 ang presyo ng kada litro ng diesel.

TAGS: oil price rollback, oil price rollback

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.