Half-day work idineklara ng Manila City Government ngayong araw
By Dona Dominguez-Cargullo December 23, 2019 - 08:26 AM
Half-day na lang din ang pasok ngayong araw (Dec. 23) sa lahat ng local government offices sa Maynila.
Ayon kay Maynila Mayor Isko Moreno, ito ay para makapagpahinga ang mga empleyado ng lokal na pamahalaan.
Sakop ng deklarasyon ng half day ang lahat ng city government offices, bureaus at departments.
Lunes ng umaga nagsagawa pa ng regular na flag-raising ceremony sa sa Manila City Hall na dinaluhan ng alkalde.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.