LOOK: Float ng mga pelikulang kalahok sa MMFF ipinarada sa Taguig

By Dona Dominguez-Cargullo December 23, 2019 - 06:09 AM

Matagumpay ang isinagawang Parade of Stars para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) kahapon, araw ng LIngg, Dec. 22.

Pinangunahan nina Judy Ann Santos at Allen Dizon ang float ng pelikulang ‘Mindanao.

Dumating din si Vice Ganda, kasama ang boyfriend na si Ion Prez para sa float ng ‘M&M: The Mall, The Merrier’.

Agaw pansin naman ang float ng horror movie na ‘Sunod’, lulan ang mga bida na sina Carmina Viillaroel, JC Santos at Mylene Dizon.

Si Aga Mulach at Bella Padilla ang nanguna naman sa float ng ‘Miracle in Cell No. 7’ na mala-selda ang tema.

Habang pinangunahan nina Ai-Ai Delas Alas, Jenelyn Mercado, at Coco Martin ang float ng ‘3PolTrobol, Huli Ka Balbon’. Naka-custome pa ng pangbabaeng super hero si Coco.

Ang float ng pelikulang ‘Write about Love’ ay pinangunahan nina Rocco Nacino, Joem Bascon at Miles Ocampo.

Ang float ng pelikulang ‘Culion’ ay pinangunahan nina Iza Calzado, Meryll Soriano, at Jasmine Curtis.

Hindi rin nagpahuli ang float ng pelikulang ‘Mission Unstapabol: The Don Identity’ na pinagbibidahan nina Vic Sotto at Maine Mendoza.

Ang float ay pinagunahan nina Maine Mendoza, Jake Cuenca, Vic Sotto at Pokwang.

Masayang-masaya naman ang mga taong dinaanan ng parada.

Ang walong pelikula ay ipalalabas mula sa Dec. 25 para sa MMFF.

Gagawin naman ang Gabi ng Parangal December 27.

 

TAGS: Inquirer News, MMFF, Parade of the Stars, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Taguig City, Inquirer News, MMFF, Parade of the Stars, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Taguig City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.