PCG: Bilang ng mga pasahero sa mga pantalan sa buong bansa higit 94,000 na
Patuloy na dumaragsa ang mga pasahero sa mga pantalan para umuwi sa kani-kanilang mga pamilya ngayong Kapaskuhan.
Batay sa monitoring ng Philippine Coast Guard (PCG) para sa kanilang Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2019, mula alas-12:01 ng tanghali hanggang alas-6:00 ng gabi ng Linggo, umabot sa 94,639 ang pasahero sa mga pantalan sa buong bansa.
Pinakamarami ang pasahero sa Western Visayas (Antique, Aklan, Iloilo, Guimaras) na umabot sa 20,443.
Sumunod ang Central Visayas at Northern Mindanao na nagtala ng 15,035 at 13,388 passengers.
Ayon sa PCG katuwang sila ng pambansang gobyerno sa pagtiyak na maitatala ang zero maritime casualty o incident ngayong Christmas Season.
Pinayuhan ng PCG ang mga pasahero na maging mapagmatyag sa lahat ng pagkakataon at sumunod sa safety at security measures sa lahat ng terminal at mga sasakyang pangdagat.
Hinihikayat ang mga pasahero na iulat ang presensya ng mag kahina-hinalang indibidwal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.