P-Noy, dapat sisihin sa Mamasapano encounter ayon kay Sen. Marcos

By Kathleen Betina Aenlle January 25, 2016 - 04:40 AM

 

Inquirer file photo

Malakas ang paniniwala ni Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na si Pangulong Benigno Aquino III ang pangunahing dapat sisihin at managot sa pagkamatay ng 44 Special Action Force troopers sa madugong engkwentro sa Mamasapano, Maguindanao isang taon na ang nakalilipas.

Paninindigan ni Marcos, wala nang iba pang maaring nakapag-utos na isagawa ang misyong iyon na naglalayong dakpin ang teroristang si Zulkifli Bin Hir alyas Marwan, kundi si Pangulong Aquino.

Dahil aniya sa hindi pagkakaroon ng tamang koordinasyon at pag-depende ni Aquino sa kay suspended Philippine National Police Chief Gen. Alan Purisima, nasawi ang SAF 44 na sumabak sa engkwentro.

Paliwanag ni Marcos, bilang supendido si Purisima, hindi na dapat siya kasama sa mga nagba-baba ng utos, kaya naman batid aniya talaga na maraming naging problema sa misyong ito.

Ayon pa kay Marcos, sinadya talaga ng pangulo na hindi isama ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagpa-plano at pagde-desisyon sa Oplan Exodus.

Malinaw aniya na ang pangulo lang ang maaring mag-utos ng ganito o na i-bypass ang PNP, ang mga kaukulang commands at ang 6th Infantry Division na sana’y nakatulong na maiwasan ang naganap na trahedya.

Nakahihiya ani Marcos na hanggang ngayon, isang taon na ang nakakalipas, wala pa ring ginagawa ang pamahalaan para maibigay sa mga naiwang mahal sa buhay ng SAF 44 ang hustisyang matagal nang hinihintay.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.