Davao del Sur, Sultan Kudarat niyanig ng mahihinang lindol
Tumama ang mahihinang lindol sa Davao del Sur at Sultan Kudarat, Sabado ng tanghali.
Batay sa impormasyon ng Phivolcs, unang namataan ang lindol sa 6 kilometers Southeast ng Matanao, Davao del Sur bandang 12:51 ng tanghali.
May lalim ang lindol na 1 kilometer at tectonic ang dahilan.
Dahil dito, naitala ang instrumental intensity 2 sa Malungon, Sarangani at intensity 1 sa Alabel, Sarangani; Koronadal City at Kidapawan City.
Samantala, sunod na tumama ang magnitude 3 sa Lutayan, Sultan Kudarat bandang 12:59 ng tanghali.
May lalim ang lindol na 31 kilometers at tectonic ang dahilan.
Bunsod nito, naramdaman ang instrumental intensity 1 sa Malungon, Sarangani at Kidapawan City.
Kapwa naman walang napaulat na pinsala at aftershocks matapos ang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.