Agriculture Department ng US walang paliwanag kung bakit kasama sa listahan nila ng free trade partner ang “Wakanda”

By Dona Dominguez-Cargullo December 20, 2019 - 06:44 PM

Hindi nagbigay ng paliwanag ang U.S. Department of Agriculture (DA) kung bakit napasama sa listahan ng US free trade partner ang “Wakanda”.

Sa halip na magpaliwanag, nag-tweet na lang ang USDA at sinabing inaalis na nila sa listahan bilang free trade partner ang “Wakanda”.

Ang “Wakanda” ay hindi totoong bansa kundi isang kathang-isip lamang at ginamit sa pelikulang “Black Panther”.

Una rito ay isang engineer na naka-base sa Ney York ang nag-tweet at pinuna ang pagkakasama ng “Wakanda” sa mga listahan ng USDA blang trade partner.

Nakita ng naturang engineer ang “Wakanda” sa tariff tracker sa website ng USDA.

Sa nasabing tariff tracker makikita ang mga bansa na kapalitan ng US ng mga hayop, produktong dairy goods, tobacco at alak.

TAGS: Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, us da, US Department of Agriculture, us free trade partner, wakanda, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, us da, US Department of Agriculture, us free trade partner, wakanda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.