Alokasyon ng tubig para sa Maynilad at Manila Water dadagdagan sa Pasko at Bagong Taon

By Rhommel Balasbas December 20, 2019 - 04:57 AM

Posibleng itigil muna o umikli ang ipinatutupad na rotating water interruptions sa Metro Manila sa Pasko at Bagong Taon na panahong may mataas na demand sa tubig.

Ito ay matapos ianunsyo ng National Water Resources Board (NWRB) araw ng Huwebes na dadagdagan nang bahagya ang alokasyon ng tubig para sa dalawang water concessionaires.

Inaprubahan ng NWRB ang dagdag na alokasyong 2 cubic meters per second sa Pasko at Bagong Taon.

Ayon kay NWRB Executive Director Sevillo David Jr., layon nitong mabawasan ang water interruption ngayong Christmas Season lalo’t hindi naman malaki ang impact ng nito sa suplay ng tubig mula Angat Dam.

Bukod sa Pasko at Bagong Taon, epektibo rin ang dagdag-alokasyon sa December 24 at 31.

Malayo pa rin naman ito sa normal allocation na 48 cubic meters per second.

Ayon kay David, kailangan pa rin kasing tipirin ang tubig hanggang sa Summer 2020 dahil hindi maaabot ng Angat Dam ang normal high water level na 212 meters.

Kahapon, December 19, nasa 197.65 meters lamang ang antas ng tubig sa dam.

TAGS: additional water allocation, manila water, maynilad, minimizing service interruptions for Christmas holidays, National Water Resources Board (NWRB), additional water allocation, manila water, maynilad, minimizing service interruptions for Christmas holidays, National Water Resources Board (NWRB)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.