Mga akusadong at large sa Maguindanao massacre case, ipinaaaresto ng korte
Ipinag-utos ng Quezon City court ang pag-aresto sa ilang akusadaong nananatiling at large sa Maguindanao massacre case.
Sa direktiba ni QC Regional Trial Court Branch 221 Judge Jocelyn Solis-Reyes, kabilang sa warrant of arrest sina Datu Kanor Ampatuan, Datu Bahnarin Ampatuan, Datu Saudi Ampatuan Jr., Datu Harris Ampatuan, Datu Moning Ampatuan.
Samantala, hinatulan namang guilty sina Andal Ampatuan Jr., Zaldy Ampatuan, Anwar Ampatuan Sr. at ilan pa nilang kaanak.
Isinagawa ang promulgasyon sa kaso sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.