Walang namumuong sama ng panahon o low pressure area na makakaapekto sa bansa sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw.
Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, ang easterlies o hanging nagmumula sa dagat-Pacifico ang weather system na umiiral ngayon sa buong bansa.
Dahil sa easterlies, maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang mararanasan sa Eastern Visayas at Caraga.
Sa Metro Manila at nalalabing bahagi naman ng bansa, maalinsangang panahon ang mararanasan na may posibilidad pa rin ng mga panandaliang pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.
Magandang balita naman sa mga mangingisda, walang nakataas na gale warning saanmang baybaying-dagat ng bansa kaya’t magiging ligtas ang pagpalaot.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.