Operasyon ng DFA consular office sa Tuguegarao, suspendido sa Miyerkules (Dec. 18)
By Angellic Jordan December 17, 2019 - 07:05 PM
Suspendido ang operasyon ng consular office ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Tuguegarao City sa Miyerkules, December 18.
Sa abiso ng kagawaran, ito ay bunsod ng paggunita sa 20th Charter Anniversary ng Tuguegarao City sa nasabing petsa.
Sinabi ng DFA na lahat ng apektadong aplikante na mayroong confirmed appointments ay maaaring ma-accommodate sa January 6, 2020 sa regular office hours.
Magbabalik-normal naman ang operasyon ng consular office sa Huwebes, December 19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.