Quezon City court, ipinag-utos ang panunumbalik ni Zaldy Ampatuan sa kulungan
Ipinag-utos ng Quezon City court ang agarang panunumbalik ni dating Autonomous Region for Muslim Mindanao Governor na si Zaldy Ampatuan sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.
Iniutos ito ng korte dalawang araw bago ang ilalabas na hatol hinggil sa Maguindanao massacre case.
Sa kautusan ni Judge Jocelyn Solis-Reyes ng QC Regional Trial Court Branch 221, sinabi nito na hindi na kailangang manatili pa si Ampatuan sa Makati Medial Center dahil maaari nang gawin ang rehabilitation procedure nito bilang out-patient.
Sinabi pa nito na “neurologically stable” na ang isa sa prime suspects sa kaso dahil wala na itong inirereklamong sakit ng ulo at pagkahilo.
Matatandaang na-confine si Ampatuan sa ospital matapos magtamo ng stroke noong buwan ng Oktubre.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.