WATCH: Palasyo, umaasang mananaig ang hustisya sa Maguindanao massacre case
Umaasa ang Palasyo ng Malakanyang na mamananaig ang hustisya sa Maguindanao massacre oras na maglabas na ng desisyon ang korte sa araw ng Huwebes, December 19.
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, kumpiyansa ang Palasyo na ibabatay ng hukom ang desisyon base sa mga iprinisentang ebidensya.
Si Quezon City Regional Trial Court (RTC) judge Jocelyn Reyes ang may hawak sa Maguindanao massacre kung saan ang itinuturong prime suspect ay si Datu Andal Unsay Ampatuan Jr.
Hindi na aniya mahalaga kung ilalabas ang hatol sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayaw nang magkomento ni Panelo sa kaso ng Maguindanao massacre sa pangambang maintriga at makulayan pa lalo’t isa siya sa mga naging abogado ng pamilya Ampatuan.
Ipinag-utos ng pamilya Ampatuan ang pag-masaker sa 58 katao kabilang na ang mahigit 30 kagawad ng media noong November 23, 2009.
Kinober ng media ang paghahain noon ng certificate of candidacy ni Buluan Vice Mayor Esmael Mangudadatu na lalaban sa pagka-mayor kay Datu Unsayd Mayor Andal Ampatuan Jr.
Narito ang buong ulat ni Chona Yu:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.