P54M na halaga ng asukal nakumpiska ng BOC sa Maynila
By Dona Dominguez-Cargullo December 17, 2019 - 01:37 PM
Aabot sa P54 million na halaga ng asukal ang nakumpiska ng Bureau of Customs sa Port of Manila.
Pawang misdeclared ang sako-sakong asukal na lulan ng 48 containers.
Ang mga bakumpiska ay Korach-conditioned Refined Sugar pero idineklara itong steel, tex screw, clamp, nails at hardware fittings.
Galing China ang kargamento na dumating sa bansa sa pagitan ng Agosto at Setyembre 2019.
Naka consign sa RZTREC at TRACLEF Trading ang mga asukal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.